Quality basketball

Sisimulan na ng Smart Gilas Pilipinas ang kanilang kampanya sa 24th Dubai Invitational Basketball Tournament ngayong gabi kontra sa Al Mouttahed Tripoli.

Tip-off na, at umaasa akong magko-concentrate na sa trabaho si coach Chot Reyes at titigil na sa paghihimutok sa hindi pagsama ng ibang PBA players na nais niya sanang maging parte ng koponan.

Siguro mas magandang pagtrabahuhan na lang nila ang pinakamagandang puwede nilang makamit sa kung ano ang meron sila. Ika nga sa Ingles: Make do with what you have.

Huwag na sanang palakihin pa ang anumang gusot na naghadlang para mabuo niya ang tunay na lineup na nais niya sanang dalhin sa Dubai. In the first place, ito ay isang invitational tournament lamang.

Dapat siguro’y hilutin na lang ang problema at umasang makuha niya ang kanyang wish list pagda-ting ng tunay na mga giyera.

Para sa ibang tao, lumalabas lamang na gumagawa na nang-excuse si coach Chot samantalang hindi pa nagsisimula ang tournament.

Siyam na cadet players, tatlong pros at ang natura-lized player na si Marcus Douthit ang bumubuo ng koponang Gilas Pilipinas. Gamitin natin ang pagkakataon na mabatak ang mga cadet players para maiprepara ng husto para sa parating na Southeast Asian Games sa Myanmar.  

Ukol naman sa preparasyon para sa FIBA Asia Championship na babangga sa schedule ng PBA Governors Cup, mas mabuti sigurong pag-isipan na muna ni coach Chot at ng pamunuan ng Gilas kung paano malulutas ang conflict.

Dahil baka maging exercise in futility lamang ang mga invitational tourneys na ito para sa mga pros.

***

Lagpas 14,000 katao ang dumagsa sa Smart Araneta Coliseum para panaoorin ang Game 1 ng Talk ‘N Text-Rain or Shine titular series.

Magandang senyales ito para sa liga, considering  na maraming nag-akalang baka langawin ang serye dahil wala ang mga sikat n koponan ng SMC – Barangay Ginebra, San Mig Coffee at Petron Blaze.

Patunay ito na alam ng Filipino basketball fans ang quality basketball.

Show comments