Gabi ng mga dehadista

MANILA, Philippines - Nakapagpasikat din ang mga dehadista sa unang pagkakataon sa buwan ng Enero para magkamal ng naggagandahang dibidendo ang mga karerista noong Miyerkules ng gabi sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Sobra-sobrang dumating ang Promise sa huling race 9 na pinaglabanan sa class division 3 sa 1,300m distansya para lumabas bilang pinakadehadong kabayo na nanalo sa gabi.

Ang di inaasahang panalo ng Promise ay nagpasok ng P139.00 dibidendo sa win habang mas magandang P1,165,50 ang dibidendo sa 6-4 forecast, Ang panalo sa ikalawang takbo ng Promise ay nagresulta rin sa pagkamal ng P804,498.00 dibidendo nang nasolo ang Pick Six na binuo ng kumbinasyong 9-5-2-1-8-6.

Walang tumama sa pinaglabanang carryover upang magkaroon ng dagdag dibidendo na P1,704,129.84 nang makalusot ang 7-9-5-2-1-8-6.

Nagbadya na magkakadehaduhan sa araw na ginunita ang Pista ng Quiapo nang manalo ang Vanguard sa pagdadala ni RC Landayan.

Halagang P83.00 ang nakamit ng mga nanalig sa husay ng Vanguard sa win habang may P486.50 ang dibidendo sa 5-3 sa forecast.

 

Show comments