MANILA, Philippines - Pinalakas pa ng Cagayan Valley ang paghahabol sa awtomatikong semis seat sa PBA D-League Aspirants’ Cup nang kunin ang 77-59 panalo sa Big Chill kahapon sa Arellano Gym sa Legarda, Manila.
Ang naunang dikitang laro ay nauwi sa tambakang panalo ng Rising Suns nang ma-outscore ang Super Chargers sa huling 10 minuto ng bakbakan, 27-12, upang makasalo ng tropa ni coach Alvin Pua ang bataan ni coach Robert Sison sa 5-3 baraha sa ikatlong puwesto.
Kalahating laro lamang angat sa dalawang koponang ito ang pahingang Blackwater Sports (5-2).
Anim na tres ang ginawa ng Rising Suns sa hu-ling yugto at naipasok ni Adrian Celada ang lahat ng tatlong pinakawalan, dalawa ang inako ni Eliud Poligrates at isa ang kay Mark Bringas.
Sa kabuuan, ang Rising Suns ay may11 tres sa 34 buslo laban sa tatlo sa 18 attempts ng Super Chargers.
“Maganda ang opensa pero ang nagpanalo sa amin ay ang magandang depensa. Sana ay hindi mawala ang ganitong intensity sa depensa sa mga susunod na games,†ani Pua.
Si Poligrates ay may 19 bago ang 15 ni Celada. Si James Forrester ay may 14 puntos, kasama ang tatlong tres bago ang 10 puntos ni Joshua Webb.
Inangkin naman ng Boracay Rum ang 82-61 panalo sa Erase Xfoliant sa ikalawang laro para manatiling palaban sa puwesto sa quarterfinals.
Anim na players ang naghatid ng 10 puntos pataas para umangat ang Waves sa 3-5 baraha.