^

PM Sports

Spurs, Knicks parehong bigo

Pang-masa

NEW ORLEANS -- Nabahala ang mga Hornets fans nang hindi makalaro si guard Eric Gordon sa kaagahan ng season dahil sa pagpapagaling ng kanyang knee injury.

Ngunit umiskor si Gordon ng 24 points, kasama ang anim na sunod na puntos sa mahalagang bahagi ng fourth quarter, upang tulungan ang Hornets sa 95-88 paggupo laban sa San Antonio Spurs noong Lunes ng gabi.

Sa New York, tumipa si Paul Pierce ng 23 points para banderahan ang Boston Celtics sa 102-96 tagumpay kontra sa Knicks sa banggaan ng magkaribal na koponan sa Atlantic Division.

Matapos ang laro, nagtungo si Knicks’ star Carmelo Anthony, nakabanggaan si Celtics’ center Kevin Garnett mula sa baseline hanggang sa midcourt, sa locker room ng Celtics at nagsisigaw.

Sa ipinosteng video ng Comcast SportsNet New England sa kanilang website, ipinakitang naghihintay si Anthony malapit sa team bus ng Boston kasama si coach Mike Woodson at ilang New York City police.

Kumolekta si Garnett ng 19 points at 10 rebounds para sa Celtics, nakamit ang kanilang ikatlong dikit na panalo.

vuukle comment

ATLANTIC DIVISION

BOSTON CELTICS

CARMELO ANTHONY

ERIC GORDON

KEVIN GARNETT

MIKE WOODSON

NEW ENGLAND

NEW YORK CITY

PAUL PIERCE

SA NEW YORK

SAN ANTONIO SPURS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with