MANILA, Philippines - Naayos na ang lahat ng problemang kinaharap ng San Miguel Beermen sa nagdaang season upang matiyak ang pagsungkit sa titulo sa 4th ASEAN Basketball League kungdi man ay palaban uli para sa titulo.
Dumalo ang lahat ng kasapi ng Beermen sa kauna-unahang PSA Forum sa 2013 na ginawa kahapon sa Shakey’s Malate at naihayag ng bagong upong head coach na si Leo Austria na mas mabangis ang binuong koponan sa taong ito kumpara sa third season kung saan ang Beermen ay pumangalawa lamang sa Indonesia Warriors.
“This is a different team from last year,†wika agad ni Austria na pinanatili lamang ang tatlong manlalaro na sina regular season MVP Leo Avenido, mahusay na Fil-Am point guard Chris Banchero at defensive player Chris Luanzon.
Ipinasok sa koponan ang mga mahuhusay at masisipag na imports na si Gabe Freeman at Brian Williams bukod pa sa matitikas na locals na sina Asi Taulava, Eric Menk, RJ Rizada, Val Acuna, JR Cawaling, Paolo Hubalde, Axel Doruelo at Michael Burtscher.
Ipinagmalaki ni Austria ang pagkakaroon ng ‘versatility’ ng koponan dahil puwedeng maglaro ng 3, 4 o 5 si Freeman habang sina Taulava at Menk, bagama’t may edad na ay maaaring sandalan sa kanilang malawak na karanasan.
Ang inaalala lamang ni Austria ay ang sakit ng Beermen na sobrang kumpiyansa dahil sa lalim ng bench.
“Ito ang sakit ng team last year. Pero kinausap ko sila at ipinaliwanag ang kanilang mga roles,†ani Austria,â€