MANILA, Philippines - Idineklara kahapon ni PBA Commissioner Chito Salud ang paglalaro ni naÂturalized player Marcus Douthit para sa darating na 2012-2013 PBA Commissioner’s Cup.
Ang Air21 ang may kaÂrapatan sa 6-foot-11 na si Douthit, ngunit maÂaari siyang maglaro sa anuÂÂmang koponan kung paÂkaÂÂkawalan siya ng Express.
Sa kanyang Twitter account na @DouthitMarcus sinabi ng 31-anyos na si Douthit, miyembro ng Smart Gilas Pilipinas, na gusto niyang malinawan kung maaari siyang magÂÂlaro sa PBA CommissioÂner’s Cup.
“Can somebody tell the commissioner to hurry up so i know if im going to play next conference,†wiÂka ni Douthit sa kanyang tweet.
Nilinaw ni Salud na ang karapatan kay Douthit ay hawak ng Air21 kung saan siya naglaro sa naÂkaraang PBA Commissioner’s Cup na pinaghaÂrian ng B-Meg Llamados, ngayon ay San Mig CofÂfee Mixers, tampok si import DenÂzel Bowles.
Posibleng kunin ng Talk ‘N Text si Douthit kung pakakawalan siya ng Express dahil mas inteÂreÂsado ang Air21 kay MiÂchael Dunigan na ibanÂdeÂra para sa CommissioÂner’s Cup.