MANILA, Philippines - Dalawang buwan ang itinagal ng paghihintay ng kabayong Akire Onileva para makatikim muli ng panalo.
Noong Enero 3 sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite muling lumutang ang husay ng kabayo para mapasaya ang mga dehadista na nagnais na makahagip ng maÂgandang dibidendo.
Ang apprentice jockey na si JV Ponce ang sumaÂkay sa Akire Onileva at nagtagumpay ang tambalan nang manalo sa Yes Beauty na ginabayan ni AM Tancioco.
Noong Nobyembre 22 huling nangibabaw ang Akire Onileva at nakalabang Windy Hour ang siyang hindi pinaporma ng nanalong tambalan.
Lumabas bilang pinakadehadong kabayo na naÂnalo ang Akire Onileva sa gabi at nagpasok ito ng P151.00 sa win, habang ang 6-1 forecast ay may P120.00 ipinamigay.
Isa pang dehado na sakay ng apprentice rider ang tumapos sa pitong karera na ginawa sa bakuran ng Philippine Racing Club Inc.
Ang Angeluz na huling tumakbo noong Disyembre 7 kasama ng coupled entry Scarab ay kuminang sa race seven na pinaglabanan sa 4YO Handicap 2 race sa 1,300m distansya.
Pangalawa lamang ang Pudolski para makapaghatid pa ng P55.50 sa forecast na 2-8, habang ang win ay naghatid ng P37.50 dibidendo.
Ang lumabas na liyamado sa gabi ay ang Dugo’s Fantasy tumakbo sa race 3 na isang class division 4.
Hindi umubra ang hamon ng anim na iba pang kaÂtunggali, kasama ang coupled entries na Alleluia at Flying Gee nang manalo ang Dugo’s Fantasy sa haÂmon ng Raon.
Tinapos ang 2012 bitbit ang panalo noong DisÂyemÂbre 23, ang win ng Dugo’s Fantasy ay mayroong P6.00 dibidendo, habang ang 5-4 forecast ay naghatid pa ng P13.00 dibidendo.