MANILA, Philippines - Hindi na pinayagan ng Tropang Texters na maÂkapuwersa ng Game Seven ang Aces.
Binigo ng nagdedepensang Talk ‘N Text ang Alaska, 83-78, sa Game Six ng kanilang semifinals series para sikwatin ang ikalawang finals berth paÂra sa 2012-2013 PBA Philippine Cup kagabi sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.
Winakasan ng Tropang Texters ang kanilang best-of-seven semifinals showÂdown ng Aces sa 4-2 para makaharap sa best-of-seven championship seÂries ang Rain or Shine Elasto Painters.
Magsisimula ang titular duel ng Talk ‘N Text at Rain or Shine sa Miyerkules sa Smart Araneta Coliseum.
Mula sa 64-62 abante sa third period, kinuha ng Talk ‘N Text ang 76-69 kalamangan sa 6:22 sa fourth quarter buhat sa isang three-point shot ni Jared Dillinger.
Huling nakadikit ang Alaska sa 75-80 galing sa isang four-point play ni JVee Casio buhat sa foul ni Jimmy Alapag sa 3:47 nito.
Samantala, naniniwaÂla si Rain or Shine head coach Yeng Guiao na may pag-asa silang manalo ng pangalawang sunod na kamÂpeonato.
Tinapos ng Rain or Shine ang San Mig Coffee, 4-2, para maÂkapasok sa kanilang unang PBA All-Filipino FiÂnals.
“This is a much younger team. We’re coÂming off a championship and our players are all healÂthy. Tingin ko malaki ang tsansa,†pahayag ni Guiao.
Huling nakapasok si Guiao sa isang All-Filipino FiÂnals noong 2006 nang maÂtalo ang Red Bull sa PureÂfoods.
Natalo din ang kanyang Sarsi kontra sa PureÂfoods din 3-2 sa best-of-five series ng 1991 All-Filipino ConfeÂrence.
Talk ‘N Text 83 - Castro 16, Alapag 15, Dillinger 11, Williams 11, De Ocampo 11, Carey 6, Fonacier 5, Peek 5, Reyes 3, Raymundo 0, Aban 0.
Alaska 78 - Abueva 23, Espinas 13, Thoss 11, Casio 10, Hontiveros 7, Baracael 6, Jazul 5, Baguio 3, Dela Cruz 0.
Quarterscores: 25-18; 42-41; 64-62; 83-78.