MANILA, Philippines - Matapos manalo kontra sa Rain or Shine sa Game 2, 106-82 para itabla ang kanilang best-of-7 semifinal series sa 2012-13 PBA Philippine Cup sa tig-isang laro, nagkaroon ng tatlong araw na Christmas break ang San Mig Coffee. Pero natalo ang Mixers sa Game 3 sa araw mismo ng Pasko, 78-62 at nabaon lalo nang matalo sa Game 4 makalipas uli ang dalawang araw, 98-72 at umangat na sa serye ang Elasto Painters, 1-3.
Noong December 29, nagwagi sa Game 5 ang San Mig Coffee, 79-67 para ibaba sa 3-2 ang bentahe sa serye ng Rain or Shine. Pero nagkaroon naman ng apat na araw na New Year’s break ang serye.
Ayon kay San Mig Coffee head coach Tim Cone, umaasa siya na natuto na ang Mixers tungkol sa pagbalik mula sa ilang araw na pahinga.
“We didn’t handle it well winning Game 2 then went into Game 3 with a break. We came out flat … and obvious-ly we did something wrong during that time. We’ll try to take a look at it, try to do it differently and hopefully do it right this time,” paliwanag ni Cone. “They beat us twice in a row. We believe we can beat them twice in a row. And that’s what we want to do. Game 7 will take care of itself. Try to get the next one -- that’s all.”
Nabigong tapusin ang serye noong Biyernes, umaasa naman si Rain or Shine head coach Yeng Guiao na hindi na ito mauulit at makakaabante na rin ang kanyang Elasto Painters sa kanilang pangalawang sunod na finals at kauna-unahan sa isang all-Filipino conference.
“Our attitude is to finish the series (today) or face dire consequences. Yes it’s good that we’re still leading the series but its always good to have that sense of urgency… Siyempre habang nagtatagal delikado kami,” wika ni Guiao na nais mapalapit sa kanyang kauna-unahang all-Filipino title mula nang unang naging head coach sa PBA noong 1990 sa kampo ng Swift.
Naniniwala si Guiao na nakabuti sa kanila ang apat na araw na pahinga.