Natupad ang pangarap ni Romero na magkaroon ng koponan sa PBA

MANILA, Philippines - Nakumpleto ni businessman/sportsman Mikee Romero ang pangarap na mag­karoon ng koponan sa Philippine Bas­ketball Association sa taong 2012.

Nagbunga ang pagsusumigasig ni Ro­mero na makahanap ng daan para ma­kapasok sa PBA nang sa kanyang pag-aari na Sultan 900 Inc., ibinenta ang Po­werade Tigers sa kalagitnaan ng buwan ng Hulyo.

Si Commissioner Chito Salud ang su­muri at nagbigay ng kanyang go-signal sa bentahan at sinasabing nasa P100 milyon ang perang inilabas ni Romero.

 “I dreamt of playing in the PBA, instead I ended up owning a franchise,” ma­sayang binigkas ni Romero matapos ma­tanggap bilang regular member ng liga.

Nagbakasakali na si Romero na ma­sama sa PBA gamit ang backdoor pero na­purnada ang mga negosasyon sa Bur­ger King.

Bago napasok sa PBA, si Romero  ang may-ari ng Harbour Center at Batang Pier sa Philippine Basketball League na nanalo ng pitong sunod na titulo.

Naupo na rin siya bilang godfather ng amateur basketball at siyang na­nguna sa laban ng Pambansang koponan na nanalo ng ginto sa 2007 Chang Mai SEA Games.

Makasaysayan ito dahil sa taong 20­07 naalis ang suspensyon ng FIBA Asia sa Pilipinas dulot ng problema sa li­derato sa basketball.

Bago naselyuhan ang bentahan, si Ro­mero ay naiupo rin bilang pangulo ng shooting association at nasa London Olympics para samahan si shotgun shooter Brian Rosario, nang nalaman ang magandang balita mula sa kauna-unahang propesyonal na liga sa basketball sa Asya.

May kapalit naman ang pagpasok sa pro league ni Romero dahil kinaila-ngan niyang iwanan ang ASEAN Basketball League dahil sa laki ng gastusin kung dalawang koponan ang kanyang pa­nanatilihin.

Hindi naman makakalimutan si Ro­mero sa ABL dahil ang pag-aaring Phi­lippine Patriots ang naging kampeon sa unang edisyon noong 2009-10 season.

 

Show comments