Miami binigo ng Milwaukee

MILWAUKEE -- Hindi naging sapat ang pag­ba­balik ni Dwyane Wade pa­ra sa Miami.

Umiskor si Brandon Jen­nings ng 25 points at hu­mugot si Mike Dunleavy ng 13 sa kanyang 18 mar­kers sa fourth quarter para igiya ang Milwaukee Bucks sa 104-85 panalo kontra sa Heat.

Nagbalik si Wade ma­tapos ang kanyang one-game suspension dahil sa pagsipa kay guard Ramon Sessions sa 105-92 pag­wa­wagi ng Heat laban sa Charlotte noong Miyer­kules.

Hindi naglaro si Wade sa 109-99 kabiguan ng Mia­mi sa Detroit noong Bi­yernes na pumigil sa six-game winning streak ng Heat.

“Obviously, the last 48 hours has not gone the way we wanted it to,” sabi ni Miami coach Erik Spoelstra. “We don’t want to make any excu­ses about it. Milwaukee kicked our butt. They were the better team tonight. We will gather ourselves, get to Orlando and start to work on it.”

Umiskor si Wade ng 24 points mula sa kanyang 10-of-19 shooting.

Tumipa naman si Le­Bron James ng 26 mar­kers para banderahan ang Miami, nabigong umabot sa 100 points sa ikatlong pagkakataon sa nakaraang 28 laro.

Gumawa si Luc Ri­chard Mbah a Moute ng 19 points para sa Bucks ka­sunod ang 16 ni Larry San­ders.

Show comments