Ang taong 2012 at si LeBron James

 Ang walang katapusang pagpapatahimik ni Le­Bron James sa kanyang mga haters ang pinakam­a­laking istorya ng 2012 sa NBA.

Binatikos ng marami dahil sa pag-alis niya sa kanyang hometown at NBA team na Cleveland no­­ong 2010 para lumipat sa Miami, dalawang taon ding paghihirap at sakri­pis­yo ang tiniis ni James pa­ra patunayan na naging ta­ma ang kanyang desis­yon nang mapa­na­lunan ang kauna-unahan niyang NBA cham­pionship sa lo­ob ng kanyang siyam na ta­on bilang pro.

Dati nang naging NBA Most Valuable Player, All-Star Game MVP at sco­ring champion, marami pa ring hindi nagbigay ng ganoong respeto sa talento ni James.

Pero tila nagbago ang lahat ng iyan dahil tinalo ng Miami Heat nina James at Dwayne Wade ang Okla­ho­ma Thunder ni season MVP Kevin Durant no­ong nakaraang Hunyo, 4-1 sa best-of-seven Finals kung saan si James ang nahirang na Finals MVP.

Nasemento pa ito sa pa­ngunguna ni James sa Team USA na napanalunan ang gintong medalya sa London Olympics no­ong Agosto.

Bagama’t maraming ka­samang NBA superstars sa Team USA sa katauhan nina Durant, Kobe Bryant,  Carmelo Anthony at Chris Paul, walang kaduda-dudang si James ang star ng mga stars sa koponan na tu­malo sa Spain sa Olympic Finals, 107-100.

Pero sa pagsisimula ng taon, hindi si James ang gu­mawa ng pinakamala­king ingay sa NBA kundi isang Asyano sa katauhan ni Jeremy Lin, isang Chinese-American na labas- pasok sa liga pero biglang na­ging superstar sa kampo ng New York Knicks.

Sapilitang nasingit sa starting lineup ng Knicks da­hil sa injuries sa mga key players nito tulad nina Anthony at Amare Stou­da­mire, umiskor ng at least 20 points sa siyam sa kanyang unang sampung laro si Lin kung saan nagkaroon pa ng seven-game winning streak ang Knicks para maging overnight sen­sation at instant superstar sa liga.

Sa kasikatan ni Lin ay nabuhay ang mga sikat na sikat na katagang “Linsani­ty” at “Lin-credible,” na­ging isa sa mga mabenta sa liga ang kanyang No. 7 jersey sa Knicks at nagresulta sa mas maayos na career pa­ra sa  kanya ma­tapos mag­­laro sa NBA D-League.

Pinagpasa-pasahan lamang si Lin ng ilang NBA teams tulad ng Golden State Warriors at Houston Rockets.

Sa pagsisimula ng ba­gong season, sa Rockets din bumagsak si Lin na ina­lok na malaking kontrata, katulad ni James Harden na napirata din ng Houston mula sa kampo ng Oklaho­ma City.

Pero ang pinakamala­king kuwento sa pagbubu­kas ng 2012-13 NBA season ay ang dumagundong na pagsungkit ng Los Angeles Lakers kina Dwight Howard at Steve Nash.

Meron nang Bryant at Pau Gasol, nasamahan pa ang Lakers ng dalawang pi­nakamagagaling na pla­yers sa center at point guard positions, ba­gay na bu­muhay na naman ng pag-asa ng mga La­kers fans na pagdomina sa liga ng kanilang paboritong ko­ponan pagkatapos maagang na-eliminate sa da­la­wang nakaraang NBA play­­offs at pagkatapos nag­­kampeon noong 2010 la­­mang sa liga.

Pero hindi naging ma­ganda ang simula ng La­kers bagama’t may pi­na­kamalakas na koponan sa papel.

Natalo sa apat sa ka­nilang unang limang laro ang LA kasunod ang pagsibak kay head coach Mike Brown.

Umugong ang balitang babalik si Phil Jackson pero isang Mike din ang pu­malit sa katauhan ni Mike D’Antoni, dating coach ng Phoenix Suns.

Show comments