MANILA, Philippines - Sinuspindi si DeMarcus Cousins ng indefinitely ng Sacramento Kings nitong Sabado dahil sa hindi magandang inasal nito na nakakasira sa team.
Nagpalitan ng maaanghang na salita sina Cousins at Kings coach Keith Smart sa locker room sa halftime ng 97-85 pagkatalo ng Sacramento sa Los Angeles Clippers nitong Biyernes ng gabi. Ibinangko ni Smart si Cousins sa buong second half at hindi niya ito pinalabas ng locker room.
Sinuspindi rin si Cousins ng isang laro na without pay ng NBA nang tirahin niya si O.J. Mayo sa singit sa kanilang pagkatalo sa Dallas noong Dec. 10.
Matapos ang pagkatalo sa San Antonio noong Nov. 9, sinuspindi ng liga si Cousins ng dalawang laro na without pay matapos niyang kumprontahin si Spurs announcer Sean Elliott sa di magandang paraan.
“We’re trying to set a standard here, and when guys move below that standard, things are going to take place,’’ sabi ni Smart pagkatapos ng laban kontra sa Los Angeles. “We’ll just move on to the next game and I’ll make some decisions from there.’’