DALLAS -- Naging magaan ang panalo para kay LeBron James at Miami Heat kontra sa Dallas na hindi na nakakaasa kay Dirk Nowitzki at sunud-sunod pa ang injuries.
Kung titignan ang laro ay malayung-malayo sa kanilang naging labanan sa 2010 NBA finals.
Umiskor si James ang 24 points kabilang ang mga puntos mula sa magagandang pasa ni Dwyane Wade tungo sa 110-95 panalo ng Heat nitong Huwebes ng gabi kung saan umabante ang Miami ng hanggang 36 points bago naupo sina James at Wade sa buong fourth quarter.
“I’m just playing within the game. My job is to do a little bit of everything right now,” sabi ni Wade na may 19 points at six assists. “I’m just very comfortable and confident in my ability. I put a lot of work into my game. It’s always good when you put in the work and implement that into a game situation.’’
Hindi pa nakakalaro si Nowitzki, ang 11-time All-Star ng Mavs, ngayong season bagamat nakapag-practice na siya sa unang pagkakataon ngayong linggo sapul nang sumailalim sa arthroscopic right knee surgery noong Oct. 19.
Ang Dallas ay di nakakaasa kina starting point guard Derek Fisher (right knee) at post players Elton Brand (right groin) at Brandan Wright (right ankle).