Pangilinan muling nailuklok na presidente ng SBP

MANILA, Philippines - Patuloy na kooperas-yon sa lahat ng nasasakupan ang nais na makita ni Manny V. Pangilinan na iniluklok uli bilang pa-ngulo ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) sa isinagawang National Congress kahapon sa Meralco Multi-Purpose Hall sa Pasig City.

Walang kalaban at by acclimation naupo uli sa puwesto si Pangilinan at iba pang opisyales ng samahan na sina Misamis Oriental Governor Oscar Moreno bilang chairman, Victorico ‘Ricky’ Vargas bilang vice chairman, Dr. Jay Adalem bilang treasurer at Atty. Marievic Anonuevo bilang board secretary.

Inihayag ni Pangi-linan na nalampasan na ng SBP ang mapanghamong unang apat na taon na nakitaan ng pagbangon ng bansa mula sa suspensiyon na ipinataw ng international body na FIBA bunga ng problema sa liderato.

Pero hindi dito natatapos ang laban ng SBP dahil kailangan nilang itaas ang antas ng mga manlalaro para makasabay sa mga umaangat na ring bansa tulad ng China at Middle East teams.

“We have to do a better job. That said, we cannot tire or retire from our goal of achieving excellence  locally and internationally,” wika ni Pangilinan.

Ang Board of Trustees ng SBP ay binubuo ng 25 katao na nagmula sa iba’t-ibang lugar sa bansa na pawang mahal ang basketball kaya’t nakikita ni MVP na mas magi-ging maayos ang takbo ng samahan hanggang 2016 lalo na kung hindi mawawala ang matibay na komunikasyon at pagkakaisa ng lahat.

“If we stay united to our purpose, if we truly love this country and our sport, we will find a solution amongst us who are all gentleman,” sabi pa ni Pangilinan.

Umabot sa 41 mula sa 65 miyembro ng SBP ang dumalo sa kaganapan na sinaksihan nina Philippine Olympic Committee (POC) incoming chairman Tom Carrasco Jr. at secretary-general Steve Hontiveros.

“There will be unity and we can now focus more on how to regain basketball supremacy in Asia. MVP continued support is very important and he will lead us because he really wants our country to regain basketball supremacy in the region,” wika ni Moreno.

 

Show comments