Nowitzki nag-practice na

DALLAS  -- Sumailalim na si Dirk Nowitzki sa unang full practice sa Dallas sapul nang operahan ang kanyang tuhod na naging dahilan para hindi ito maka-laro sa lahat ng game ng Mavericks ngayong season.

Matapos ang practice nitong Miyerkules, hindi nagbigay si Nowitzki ng totoong timetable kung kailan siya magde-debut ngayong season at ang tangi niyang nasabi ay  “maybe any time after Christmas.’’

Sumailalim si Nowitz-ki sa arthroscopic surgery sa kanang tuhod noong Oct. 19 na siyang unang operasyon ng 7-foot forward sa kanyang ika-15th NBA season.

Sinabi ni Nowitzki na titignan muna niya ang magiging reaksiyon ng kanyang tuhod pagkatapos ng kanyang unang araw ng practice.

 

Show comments