MANILA, Philippines - Sa kabila ng pangako ni Juan Manuel Marquez sa kanyang asawang si Erika na magreretiro na pagkatapos ng kanyang sixth-round KO win laban kay Manny Pacquiao noong Disyembre 9, naniniwala pa rin ang kanyang promoter na hindi ito mangyayari.
Sa panayam ng BoxingScene.com, sinabi ni promoter Fernando Beltran ng Zanfer Promotions na inaasahan niyang magpapatuloy sa pagbo-boksing ang 39-anyos na si Marquez.
“I can say that I believe that Juan Manuel Marquez will continue in boxing,” wika ni Beltran kay Marquez. “There is a lot of support from his family, and more so after they saw that he looked very good, physically and mentally, against Pacquiao.”
Bago pabagsakin ang 34-anyos na si Pacquiao sa huling segundo sa sixth round sa kanilang pang-apat na pagtatagpo sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada, ipina-ngako na ni Marquez sa kanyang asawang si Erika na magreretiro na siya.
“The oldest son of Marquez is the one who wants to see his father continue most. He supports his father and told him to think it over,” wika ni Beltran.
Inaasahan din ni Beltran na maitatakda ang pang-limang paghaharap sa susunod na taon nina Pacquiao, nagsabing may dalawang laban pa siyang gagawin bago magretiro sa susunod na taon, at Marquez.
Ayon kay Marquez, kukumbinsihin niya ang asawang si Erika na payagan siyang muling lumaban sa kahuli-hulihang pagkakataon sa 2013.
“I wish my wife would give the green light (permission) to continue boxing and seek a fifth world title,” pagsusumamo ni Marquez sa asawang si Erika. “I am trying to convince her,” dagdag pa nito.