Abueva para sa BPC?

MANILA, Philippines - Si Calvin Abueva ng Alaska ba ang magiging unang rookie sa loob ng nakaaraang 13 taon na mananalo ng Best Player of the Conference award sa PBA?

Iyan ang katanungan nang lumabas ang statistical points (SPs) update para sa nasabing award pagkatapos ng quarterfinals ng 2012-13 PBA Philippine Cup.

Si Arwind Santos ng Petron Blaze ang patuloy na nangunguna sa kanyang 35.1 average SPs sa 15 laro. Pero maagang na-eliminate ang Boosters at hindi kasama sa apat na koponang nasa Final 4 ng kasalukuyang all-Filipino conference.

Nasa pangalawa naman si Abueva sa kanyang ave-rage na 32.3 SPs sa 12 laro para sa Alaska na isa sa mga Final 4 teams kaya’t nakatuon ang tingin ng marami.

Tila ang magiging mahigpit na kalaban ni Abueva para sa nasabing award ay si Jayson Castro ng Talk ‘N Text na nasa pangatlong puwesto sa SPs standings sa kanyang 31.6 average.

Show comments