Walang duda na ang Pasko sa karamihan sa atin ay karaniwang masaya taun-taon kahit ordinar-yong tao lamang.
Ngunit tiyak sa taong ito, kakaiba ang magiging Pasko nina Manny Pacquiao at Nonito Donaire.
Maging ang pagdiriwang ng kaarawan kahapon ni Pacquiao ay hindi rin tulad ng kanyang mga nagdaang pagdiriwang.
Sabihin na nating limpak-limpak na salapi na inaasahang aabot sa bilyong piso ang kikitain ni Pacquiao sa kanyang nakaraang laban kontra kay Juan Manuel Marquez na isang masayang Pamasko at birthday gift sana.
Pero hindi niya ito ikatutuwa ng lubusan matapos ang kanyang nalasap na masakit na kabiguan.
Wala sa katiting ng kikitain ni Pacquiao ang kikitain ni Donaire matapos itong umiskor ng malaking tagumpay kay Jorge Arce na na-knockdown niya sa ikatlong round.
Sinasabing kikita na ng seven figures si Donaire sa kanyang nakaraang laban na ngayon lang niya matitikman gayunpaman ay siguradong walang kasing-saya niyang ipagdiriwang ang Pasko.
Kung inyong matatandaan, sa tuwing sasapit ang Pasko ay umuuwi ng Pinas galing sa tagum-pay si Pacquiao na kadalasan ay may laban tuwing Nobyembre.
Masaya niyang ipinagdiriwang ang kanyang kaarawan at ang Pasko kasama ang kanyang pamil-ya at malalapit na kaibigan.
Bonggang-bongga ang selebrasyon.
Ngunit sa pagkakataong ito, may bahid ng kalungkutan ang kaarawan at Pasko ni Pacquiao dahil sa kanyang pagkatalo kay Marquez.
Hindi man kinita ni Donaire ang kinita ni Pacquiao, masaya niyang ipagdiriwang ang Pasko dahil sa kanyang malaking tagumpay na muling nag-angat sa mga Pinoy.