Przybilla suspindido ng 1-game

NEW YORK -- Isang one-game suspension ang ipinataw kay Milwaukee Bucks center Joel Przybilla ng NBA dahil sa pagbato nito ng basketball  na tumama sa isang referee sa kanilang laro ng Los Angeles Clippers.

Bukod sa suspensyon, wala ring matatanggap na suweldo si Przybilla mula sa pahayag ni Stu Jackson, ang executive vice president for basketball operations ng NBA. Nangyari ang insidente sa huling 1:36 sa fourth quarter sa 85-111 kabiguan ng Milwaukee kontra sa Clippers noong Sabado. Isisilbi ng 7-foot-1 center ang kanyang suspensyon sa Martes sa pagharap ng Bucks kontra sa Indiana Pacers.

Show comments