UAAP Women’s Volleyball Ateneo vs National U.
MANILA, Philippines - Nasa kanilang magandang panimula sa UAAP women’s volleyball tournament, magtatagpo ang Ateneo at National University ngayon sa Filoil Flying V Arena sa San Juan.
Itataya ng Lady Eagles ang kanilang malinis na record laban sa Bulldogs, hangad ang kanilang ikatlong sunod na panalo, sa ganap na alas-3:30 ng hapon.
Maghaharap naman ang University of Santo Tomas at University of the Philippines sa alas-2.
Dala ng Ateneo, hangad ang kanilang unang korona matapos sumali sa UAAP noong 1978, ang malinis na 3-0 kartada.
Nagmula ang Lady Eagles na aasa kina skipper Dzi Gervacio at Alyssa Valdez, sa isang 25-13, 25-16, 25-17 panalo laban sa Tigresses noong Linggo.
Kasalo ng NU, ibinandera sina 6-foot-1 Dindin Santiago at Myla Pablo, ang defending champion La Salle at Adamson sa magkakatulad nilang 2-1 marka.
Para makamit ng Lady Bulldogs ang kanilang ina-asam na panalo ay dapat kumayod si Kuki Salibad.
Umiskor ang NU ng 25-13, 22-25, 25-14, 25-18 panalo kontra sa University of the East noong Linggo.
- Latest