HOUSTON – Kung mayroon mang bagay na nakakapagpangiti kay Bob Arum nitong mga nakaraang araw, ito ay ang mga numero.
Sinabi ni Arum na maganda ang nakukuha niyang pahayag tungkol sa satellite feeds at pay-per-view sales ng nakaraang pang-apat na paghaharap nina Manny Pacquiao at Juan Manuel Marquez.
Napuno ang 17,000-seater MGM Grand para sa naturang Pacquiao-Marquez IV kagaya ng mga closed-circuit venues.
“It’s hard to go the other way. You always have to go up. It’s beautiful,” wika ni Arum.
“Returns are excellent. The satellites (customers) alone did a 130,000 more homes than (Timothy) Bradley and I’m waiting for the cable system,” dagdag pa ng promoter.
Kumpiyansa si Arum na magiging malaki ang resulta ng pay-per-view sales para kay Pacquiao.
“I think at the end of the day, we’ll probably do a little less than the third fight,” sabi ng Top Rank chief sa halos 1.3 million hits para sa Pacquiao vs Marquez Part 3.
“But almost as much which is great, and since we charged $5 more ($59.95 per hit), it will probably be the equivalent amount of money,” ani Arum.
Samantala, ipapasuri naman ni Arum ang utak ni Pacquiao sa Cleveland Clinic matapos ang kanyang sixth-round KO loss kay Marquez.
Gusto ni Arum na matiyak ang kaligtasan ng 33-anyos na Sarangani Congressman matapos ang pagbagsak nito na una ang mukha sa canvas.
“I have to take him to the Cleveland Clinic in Las Vegas, the brain center, which is a brain specialist,” sabi ni Arum kay Pacquiao. “We’re going to do an extensive brain examination before we commit him to a fight.”