Season 75 UAAP Women’s Volleyball Tournament 4 tropa magpipilit makasalo sa NU sa ikalawang puwesto

MANILA, Philippines - Apat na koponan ang mag-aagawan sa second spot sa doubleheader ng UAAP Season 75 wo­men’s volleyball tournament ngayong hapon sa Fil­oil Flying V Arena sa San Juan.

Makakatapat ng two-time champion La Salle ang Far Eastern Universi­ty sa ikalawang laro sa alas-3:30 ng hapon.

Magkikita naman ang Adamson at University of the Philippines sa alas-2 sa pangatlong laban.

Tinalo ng Lady Archers ang Lady Falcons, 26-24, 25-19, 25-18, sa­mantalang binigo ng La­dy Tamaraws ang Lady Ma­roons, 25-14, 25-14, 27-25, sa kani-kanilang mga huling laro.

Bago ang panalo sa Adamson, nanggaling mu­na ang La Salle sa isang five-set loss sa Uni­ver­sity of Santo Tomas.

Sina Abigail Maraño, Mi­chelle Gumabao, Mi­ka Reyes at Wensh Tiu ang aasahan ng La Salle ka­tapat sina Rosemarie Var­gas, Wenneth Eulalio, Ma­ry Palma, Mayjorie Ro­xas at setter Gyzelle Sy ng FEU.

Show comments