Mag-Move-on na tayo sa pagkatalo ni Pacquiao
Marami nang nasabi patungkol sa laban at sa pagkatalo ni Manny Pacquiao.
Mula nu’ng Linggo hanggang kahapon, laman ng mga diyaryo at tv sina ‘Pacman’ at Marquez, pati na sina Jinkee at Mommy Dionisia.
Ngayong araw ang balitang pagbabalik naman ni ‘Pacman’ dito sa Pinas kaya tiyak na hanggang bukas, siya pa rin ang pag-uusapan.
Tapos na ang laban, natanggap na ni Pacquiao ang pagkatalo at babalik na siya sa Pilipinas.
Let’s all move on.
Si Manny nga natalo, pero may P1.2 billion siya.
Tayong mga Pinoy, hinagpis nang hinagpis, eh ganito pa rin tayo.
***
Ang unang dapat gawin ni Manny pagkatapos niyang magpahinga, eh pumunta sa Mindanao at mamahagi ng donasyon sa mga nasalanta ng bagyong Pablo.
Sa laki ng kinita niya sa laban kay Marquez, hindi naman siguro magiging kawalan sa kanya kung mamahagi siya kahit na ilang milyong piso lang.
Alam naman natin na ang pinakamatitinding followers ni Pacman ay taga-Mindanao.
***
Nakakaloka si Mommy Dionisia.
Ipinagsisigawan niya sa isang interview, “Tumigil ka na anak! Ang boxing, sugal ata ‘yan ...”
Mommy D. Ano ka ba? May ‘sugal yata’ ka pa.
Ngayon mo lang naramdaman na sugal ang boxing?
“Manny, hindi ka hayop. Tao ka. Hindi ka aso. Hindi ka manok na ipansasabong,” sabi din ni Mommy Dionisia.
Mommy D, ngayon mo lang ba naramdaman na ang anak mo ay parang manok na ipinansasabong?
Lagi na lang sinasabi ni Mommy Dionisia, sinasabihan niya si Manny na ayaw na niyang lumaban ito.
Pero noon pa niya ‘yan sinasabi.
Pero tuwing mag-uuwi naman ng mga milyones si Manny galing sa kanyang laban, wala namang magawa si Mommy D.
Pero ngayon naman, hamon ni Mommy D kay Bob Arum, patutunayan niya na siya ang ina at ipinagmamatigasan niya na huling laban na ni Manny’ yung pagkatalo niya kay Juan Manuel Marquez.
Siya ang ina, siya ang masusunod .... Daw.
‘Yan ang aabangan natin.
Manaig na kaya ang kagustuhan ni Mommy D na magretiro na si Manny? Mother knows best, di ba?
***
Sa PBA naman, super bakbakan na ngayon.
Ginebra vs. Rain or Shine agad ang salpukan.
Kahit na weekday ngayon, asahan mong susugod ang mga tagahanga ng Ginebra para suportahan ang kanilang team.
***
Maraming college players ang naglalaro ngayon sa Sorsogon. Last weekend pa nandun ang ilang college teams. Naglalaro sila ng Invitational basketball dun.
Kabilang sa mga lumalaban dun ay ang UE at Perpetual Help.
- Latest