MANILA, Philippines - Nangako ang three-time champion Singapore Lions na bibigyan nila ang Philippine Azkals ng mahigpit na laban sa sariling balwarte sa paghaharap para sa lugar sa finals bukas sa second leg ng 2012 AFF Suzuki Cup semifinals sa Jalan Besar Stadium.
Sinabi ni veteran defender Daniel Bennett, miyembro ng 2004 at 2007 champion team na kung nahirapan ang Azkals na talunin sila sa homecourt ng mga Pinoy, mas mahihirapan sila sa laban na gaganapin naman sa balwarte ng Lions.
Nauwi sa draw ang pisikal na laban ng Azkals at Lions para sa first leg sa Rizal Memorial noong Sabado ng gabi kaya inaasahang mas iinit ang kanilang sagupaan bukas.
“I think they (Azkals) know when they come to Singapore it is going to be even harder for them. We’ll be waiting for them in Singapore. I think it is going to be a tough game for them,” sabi ni Bennett pagkatapos ng laban sa Rizal.