Gesta at Farenas nabigo sa laban; Penalosa, Sanchez umiskor ng KO win

MANILA, Philippines - Las Vegas, Nevada - Nabigo si Man­daue City pride Mercito Gesta na ma­kaagaw ng isang world title nang matalo sa nagdedepensang si Miguel Angel Vazquez ng Mexico via unanimous decision kahapon dito sa MGM Grand Garden Arena.

Ginamit ng 25-anyos na si Vazquez ang kanyang walang tigil na jabbing at magandang ring movement para talu­nin ang 25-anyos ding si Gesta para pa­natilihing suot ang kanyang Interna­tio­nal Boxing Federation lightweight crown.

Si Vazquez (33-3-0, 13 KOs) ay bi­nigyan ng tatlong judges ng mga iskor na 117-111, 119-109 at 118-110 para ipa­lasap kay Gesta ang kauna-unahan ni­tong kabiguan (26-0-1, 14 KOs).

“The game plan was to move and box,” sabi ni Vazquez. “And it went per­fectly.”

Bumangon naman si dating world featherweight titleholder Yuriorkis Gamboa (22-0-0, 16 KOs) mula sa isang ninth-round knockdown para kumuha ng isang unanimous decision win laban kay Filipino bet Michael Farenas (34-4-4, 26 KOs) at isuot ang WBA interim ju­nior lightweight belt.

Dalawang beses napabagsak ni Gam­boa si Farenas sa second at seventh round bago siya napatumba ng Pinoy sa ninth round buhat sa isang left cross. 

Sa dalawa pang laban ng mga Filipino, umiskor si junior lightweight Ernie Sanchez (14-3-0, 5 KOs) ng isang third-round knockdown patungo sa kanyang eight-round unanimous decision kontra kay Coy Evans (10-2-1, 2 KOs).

Isang second-round knockout victory ang itinala naman ni featherweight Do­die Boy Peñalosa (10-0-0, 10 KOs) laban kay Jesus Lule-Raya (6-5-0, 1 KOs).

 

Show comments