Presidential Gold Cuplalarga na
MANILA, Philippines - Ang karerang kina-sasabikan ngayong taon ay mangyayari na sa pag-larga ng 40th edisyon ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Presidential Gold Cup ngayong hapon sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.
Magkakasukatan ang dalawang premyadong kabayo na Magna Carta at Hagdang Bato sa klasikong karera na inilagay sa 2,000m distansya at itataguyod ng PCSO.
Ang kukumpleto sa walong magtatagisan ay ang Purple Ribbon (Val Dilema), Pleasantly Perfect (Pat Dilema), Tensile Strength (JT Zarate), Chevrome (JA Guce), Steel Creation (MA Alvarez) at Cinderella Kid (FM Raquel Jr.)
Hindi naman isina-santabi ang husay ng ibang kalahok, ngunit tiyak na ang taya ay ilalagay lamang sa Magna Carta at Hagdang Bato na magkakasukatan sa unang pagkakataon.
Ang Magna Carta na sasakyan ni jockey Jessie Guce para sa horse owner na si Michael Dragon Javier ang siyang nagdedepensang kampeon matapos agawan ng titulo ang 2010 champion Yes Pogi.
Sa taong ito ay pinagharian ng nasabing kabayo ang PCSO Silver Cup at Don Eduardo Cojuangco Jr Cup.
Tiyak din na magpupursigi si Guce na maipanalo ang Magna Carta kahit pinatawan ng pinakamabigat na peso na 58 kilos dahil sesel-yuhan ng makukuhang tagumpay ang pagiging pinakamahusay na hinete sa 2012.
Una sa talaan sa pa-lakihan ng premyong napanalunan na, si Guce ay magbabalak na makuha ang ikatlong na PGC title sa kanyang career matapos gabayan din sa tagumpay ang Real Spicy at Native Land noong 2006 at 2007.
Sa kabilang banda, ang alagang kabayo ni Mandaluyong City Mayor Benhur Abalos na gagabayan ni Jonathan Hernandez ay hinirang bilang Triple Crown champion sa taong ito.
Magpapainit pa kay Hernandez ang pagha-hanap ng kanyang kauna-unahang PGC title.
Bukod kay Guce, si Dilema ay nakatikim na rin ng panalo sa prestihiyosong karera matapos bitbitin sa panalo ang Wind Blown at maaaring makatulong ang karanasan para makapanggulat ang Pleasantly Perfect.
- Latest