ILOILO CITY, Philippines --- Matapos sina Raissa Regatta Gavino at Kirsten Chloe Daos ng Quezon City, sina Kareel Meer Hongitan at Mary Queen Ybanez naman ng Northern Luzon ang gumawa ng eksena sa archery competition ng PSC-POC Batang Pinoy 2012 National Finals kahapon sa La Paz Plaza open grounds.
Pumana sina Hongitan at Ybanez ng tig-limang gintong medalya para banderahan ang Northern Luzon sa kabila ng patuloy na pagratsada nina Gavino at Daos sa swimming pool.
Ang mga events na dinomina ng tubong Baguio City na si Hongitan ay ang cadet girls’ 30-meter, 40m, 50m, 60m at single fita, samantalang nama-yagpag naman ang pambato ng San Fernando, La Union na si Ybanez sa cab girls’ 20m, 30m, 40m, 50m at single fita.
Nilangoy naman ng 12-anyos na si Gavino, isang grader mula sa Multiple Intelligence International School, ang kanyang ikaapat na gintong medalya sa girls’ 11-12 years old 200-meter breaststroke sa kanyang oras na 2:57.30.
Sinikwat din ng eighth grader mula sa Immaculate Conception Academy na si Daos ang kanyang ikaapat na gold medal sa girls’ 13-15 200m freestyle sa tiyempong 2:18.37.
May apat na ginto rin ang 15-anyos na pambato ng Quezon City na si Je-remy Brian Lim mula sa 400m individual medley, 200m at 400m freestyle at nakasama sa 4x50m freestyle relay team.
May 12 gintong medalya na ang Quezon City para sa huling araw ng kompetisyon ngayon.