Sabik na ang lahat: sa klasikong laban na magaganap

LOS ANGELES –– Ang non-title welterweight bout sa pagitan nina Manny Pacquiao at Juan Manuel Marquez ngayong Sabado (Linggo sa Manila) ay maaaring maging klasiko dahil sa posibleng pinakahuling paghaharap na ito ng dalawa sa ibabaw ng ring.

Punum-puno ng ak-syon ang naunang tatlong laban nina Pacquiao, ang sinasabing pinakamahusay na offensive fighter sa kanyang panahon at Marquez, isa sa pinakamaga-ling na counter-punchers sa mundo.

Bukod dito, may gusto ring patunayan laban sa isa’t isa sina Pacquiao at Marquez sa kanilang pagkikita sa MGM Grand Garden Arena.

Gustong muling ipa-kita ng 33-anyos na si Pacquiao ang kanyang bilis at lakas matapos ang ilang malamyang laban.

Hangad naman ni Marquez na patotohanan na siya ang tunay na nanalo sa kanilang tatlong laban ng Filipino southpaw.

“Everybody knows what happened in the last three fights,” ani Marquez (54-6-1, 39 KOs) sa mga reporters. “A lot of people feel I beat him. But I want to have my hand raised (in triumph). I want the judges to really look at what they’re doing and get it right this time.”

Sa kanilang ikatlong paghaharap noong November 2011, napanatili ni Pacquiao ang kanyang WBO welterweight title mula sa isang majority decision win kontra kay Marquez.

“It’s hard when you’re fighting your rival and the three judges, too,” sabi ng galit na si Marquez sa nasabing pangyayari.

“I got robbed. Ho-nestly I don’t know what I need to do to change the mind of the judges. We won with clearer punches. I am frustrated right now, very frustrated.”

Samantala, apat na Pinoy boxers ang sasabak sa undercard na siguradong magpapainit ng laban.

Tangka nina super-featherweight Michael Farenas at lightweight Mercito Gesta ang mga world titles sa kani-kanilang laban para madagdagan ang mga Filipino world title belt-holders upang maka-hanay ang mga tulad nina super bantamweight Nonito Donaire Jr. at flyweight Brian Viloria.

 

Show comments