WASHINGTON – Natengga na ng mahigit dalawang buwan, hindi pa rin puwedeng mag-ensayo si Washington Wizards point guard John Wall lalo na ang maglaro at sinabi ni coach Randy Wittman nitong Lunes na hindi niya alam kung kailan babalik ang kanyang mahusay na player.
Hindi pa nakakalaro ngayong season si Wall para sa Washington, may pinakamasamang record sa NBA na 1-13 patungo sa laro kontra sa defending champion Miami Heat sa Lunes.
Nang ihayag ng Wizards noong Sept. 28 na na-diagnose si Wall na may stress injury sa buto ng kaliwang tuhod, sinabi nilang hindi na kailangan ng ope-rasyon at posibleng matengga ng dalawang buwan.
Nang tanungin kung kailan babalik si Wall, sagot ni Wittman, “I can’t give you one. I don’t know what you want me to say. I mean, right now, we’re still progressing the way we are with his rehab. He’s not been on the floor to practice. He’s been on the floor to shoot some, but he’s not progressed to the point that he can get out and practice. So obviously until that happens,” ani Wittman.