LeBron Sportsman of the Year ng Sports Illustrated
MIAMI — Nang malaman ni LeBron James na siya ang Sportsman of the Year ng Sports Illustrated, nasorpresa ang Miami Heat star.
Hindi dahil maliit lang ang kanyang mga achievements noong 2012 kundi dahil hindi pa rin nabubura sa kanyang alaala ang mga nangyari noong 2010 bagama’t hindi na ito ang sitwasyon ngayon.
Inihayag ng magazine nitong Lunes ang kanilang pagpili kay James bilang unang NBA player na nanalo ng naturang award sapul nang makuha ito ng kanyang Heat teammate na si Dwyane Wade noong 2006.


“I remember just like yesterday when I signed here and basically, like the roof caved in,” sabi ni James na tinutukoy ang kanyang pagdedesisyong iwanan ang Cleveland at lumipat sa Miami noong 2010. “To see that I and my team and everyone around me was able to patch that roof up, to come to this point and receive such a prestigious award, it’s huge.”


Kabilang sa mga nanalo ng naturang award ay sina Muhammad Ali, Jack Nicklaus, Wayne Gretzky, Arthur Ashe, Tom Brady, Derek Jeter at Michael Phelps.

Ang mga college basketball coaches na sina Mike Krzyzewski —ang Olympic coach ni James — and Pat Summitt ang co-winners ng naturang award noong nakaraang taon.
Ayon kay Time Inc. Sports Group editor Paul Fichtenbaum, napili nila si James dahil naibigay niya ang kailangan ng Miami sa mga oras na kailangan ito lalo na sa NBA finals. “LeBron kind of made it easy on us,” aniya. “In a year that had really high standards, he just stood taller than everybody else.”


Si James ay naging NBA champion sa unang pagkakataon, nanalo ng NBA Finals MVP trophy, tumulong sa panalo ng U.S. sa London Olympics sa ikalawang pagkakataon at nakopo nito ang kanyang ikatlong NBA MVP award.


- Latest