CABANATUAN CITY, Philippines – Dalawang miyembro ng isang gun-for-hire gang na suspek sa nabigong pamamaril kay Philippine Basketball Association swingman Ali Peek ay naaresto sa da-lawang magkahiwalay na operasyon ng mga pulisya sa Nueva Ecija at Bulacan, ayon sa Philippine National Police kahapon.
Kinilala ni Senior Superintendent Walter Castillejos, PNP provincial director, ang dalawa na sina Carlos Pangilinan, alyas Carling, 60-gulang ng Barangay San Miguel Na Munti at Orlando Hernandez, alyas Orly, 35-gulang ng Barangay Bantug, parehong mula sa Talavera, Nueva Ecija.
Ayon kay Castillejos, ang dalawa ang nasa likod ng pag-atake kay Peek, ang malaking mama na sentro ng Talk ‘N Text na binaril sa leeg ng nag-iisang lalaki noong November 7, 2011.
Naka-survive ang 6’4 na si Peek sa pamamaril sa kanya.
Sinabi ni Superintendent Ricardo Villanueva, chief ng provincial public safety company na nahuli si Pangilinan ng PPSC operatives sa pamumuno ni SPO1 Gerry Santos sa Sitio Tagpos, Barangay Soledad, Sta. Rosa, Nueva Ecija noong Huwebes ng hapon.
Nakatakas si Hernandez sa natu-rang pag-aresto ngunit nitong nakaraang Miyerkules ng hapon, naaresto siya ng Nueva Ecija police sa Barangay Penabatan, Pulilan, Bulacan.