Sa paratang na pinapagamit niya ng droga si Marquez: Roach sasampahan ng kaso ni Hernandez
MANILA, Philippines - Dahil sa paratang sa kanya ni trainer Freddie Roach, handang magsampa ng demanda si Angel ‘Memo’’ Hernandez, ang health and conditioning coach ni Mexican Juan Manuel Marquez.
Sa panayam ng BoxingScene.com kahapon, sinabi ni Hernandez na nakikipag-usap na siya sa kanyang abogado hinggil sa defamation case o paninirang-puri na isasampa nila laban kay Roach.
“What he is doing is a tactic because Roach thinks he’s so funny,” inis na wika ni Hernandez kay Roach. “Juan Manuel wants to fight and shut their mouths.”
Kamakailan ay pinaratangan ni Roach ang 39-anyos na si Marquez na gumagamit ng ipinagbabawal na performance-enhancing drugs (PEDs).
Ito, ayon kay Roach, ang ibinibigay ni Hernandez para sa mabilis na paglaki ng katawan ni Marquez.
Kinampihan naman ni Alex Ariza, ang strength and conditioning coach ni Manny Pacquiao, si Hernandez.
Ngunit may paliwanag si Hernandez.
“In the 60’s it was very common to use steroids because it was an easy way to make you strong, but now there are supplements where you can achieve great physical results without anything illegal being in the body,” katuwiran ni Hernandez.
Kamakalawa ay binawi naman ni Roach ang kanyang alegasyon kay Hernandez at sinabing nagbibiro lamang siya.
Subalit hindi natatawa si Hernandez
“The fact is, I’m going straight to the federal laws, and I talked to my lawyers yesterday and it is a fact that Freddie Roach will be sued for defamation,” ani Hernandez. “We are ready to proceed.”
Maghaharap sina Pacquiao (54-4-2, 38 KOs) at Marquez (54-6-0, 39 KOs) sa ikaapat na pagkakataon sa Disyembre 9 (Manila time) sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.
- Latest