Lopez hindi makikitasa 2 laro ng Nets
NEW YORK -- Muling uupo sa bench si Brook Lopez dahil sa pananakit ng kanyang paa.
Tiniyak naman ng Brooklyn Nets na hindi ito kagaya ng kanyang naranasan sa nakaraang 2011-12 season.
Hindi makakalaro si Lopez sa dalawang asignatura ng Nets bunga ng mild sprain sa kanyang kanang paa.
Matapos makuha ang resulta ng isang X-ray, sinabi ni general manager Billy King na kumpiyansa siyang kaagad na makakabalik si Lopez.
Nasaktan ang paa ni Lopez nang sumalaksak sa third quarter sa panalo ng Brooklyn kontra sa Boston.
Nabalian ng kanang paa si Lopez noong nakaraang Disyembre ng 2011.
Kabuuang 32 laro ang iniupo ni Lopez matapos mabalian ng kanang paa noong nakaraang season sa kanilang laro ng New York Knicks.
- Latest