^

PM Sports

Winalis ng kanyang partido ang lahat ng posisyon Cojuangco nakuha ang ikatlong termino sa POC

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines - Taglay pa rin ni Jose ‘Peping’ Cojuangco, Jr. ang tiwala ng mga kasapi sa Philippine Olympic Com­mittee (POC).

Ito ang naging mali­naw na mensahe sa idi­naos na POC election ka­hapon sa Alabang Country Club nang walisin ng tiket ni Cojuangco ang lahat ng puwestong pi­naglabanan sa halalan na dinaluhan ng 43 vo­ting members.

Nauna rito ay naipaki­ta ni Cojuangco na siya pa rin ang majority president matapos makakuha ng 32 boto.

Walang kalaban ang equestrian president sa pu­westo pero binilang pa rin ang nakuhang boto upang pagtibayin ang ikat­long sunod na termino sa POC.

Ang mga ka-tiket na si­na Tom Carrasco, Jr. ng triathlon, Joey Romasanta ng karatedo, Jeff Tamayo ng soft tennis, Julian Camacho ng wushu, Prospero Pichay ng chess at mga board members na si­na Dave Carter ng judo, Ernesto Echauz ng sailing Jonnie Go ng canoe-ka­yak at Cynthia Carrion ng gymnastics ay mauupo rin sa POC hanggang sa 2016.

Ang matinding laba­nan ay nangyari sa puwesto ng POC chair­man at nanalo si Car­rasco kontra sa dating nakaupong si Monico Puentevella ng weightlif­ting sa pamama­gitan la­mang ng tatlong boto, 21-18.

Ang iba ay malayong na­nalo tulad ni Roma­santa sa dating nakaupo na si Manny Lopez sa 1st VP, 24-16; Tamayo laban kay Bambol Tolentino ng cy­cling sa 2nd VP, 24-16; Camacho laban kay Romy Ribano ng squash, 28-12; sa treasurer; at Pi­chay laban kay Godofredo Galindez Jr. ng golf, 28-12, sa auditor.

 

ALABANG COUNTRY CLUB

BAMBOL TOLENTINO

COJUANGCO

CYNTHIA CARRION

DAVE CARTER

ERNESTO ECHAUZ

GODOFREDO GALINDEZ JR.

JEFF TAMAYO

JOEY ROMASANTA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with