BANGKOK — Kung mananaig ang Philippine Azkals laban sa Myanmar kagabi, sasagupain nila ang top team mula sa Group B sa semifinal round ng 2012 AFF Suzuki Cup.
Ang naturang grupo ay kinabibilangan ng nagdedepensang Malaysia, Indonesia, Singapore at Laos.
“The victory over Vietnam put us in a good position,” sabi ni German coach Michael Weiss, napatawan ng isang one-game suspension noong Sabado nang mambato ng isang player ng Thailand na tumalo sa Azkals, 2-1.
Papasok pa rin ang Azkals sa Final Four kahit na maging draw ang resulta ng kanilang laro ng Myanmar.
Ngunit ayaw ng Azkals na mapasok sa komplikasyon lalo na kung mananalo ang Vietnam sa Thailand.
Hindi pa nananalo ang mga Pinoy sa Myanmar sa kabuuang 11 na pagtatagpo sapul noong 1971.
Ngunit nauwi sa draw ang huli nilang tatlong pagkikita.
“The situation within the group is that every team still has a chance to go through,” wika ni Weiss. “So we should put ourselves in a winning mode and go for a win so that everything is safe and we don’t have to depend on the result of the other teams.”
Nagmula ang Azkals sa 1-0 pananaig kontra sa Vietnam.
Nakamit na ng Thailand ang unang tiket sa Final Four.