^

PM Sports

POC-PSC batang pinoy Visayas leg Cebu namayagpag sa dancesport

Pang-masa

TACLOBAN City , Philippines  – Sinapawan ng Cebu City ang lahat matapos angkinin ang 35 sa nakatayang  36 gold medals sa dancesports para mamayagpag sa Philippine Oympic Committee-Philippine Sports Commission Batang Pinoy 2012 Visayas leg dito kahapon.

Ang dominasyon ng Cebu sa dancesports na ginanap sa Leyte National High School ay nagsulong sa kanila sa 70 golds, 56 silvers at 54 bronzes.

Ang dancesports, tulad ng girls softball at weightlifting ay National finals na habang ang ibang sport ay  qualifying lamang para sa National finals.

Ang mga gold at silver medalists dito tulad sa mga naunang apat na leg ay papasok sa Iloilo City championships na gaganapin sa Dec. 5-9.

Ang Leyte Province na kinatawan ng Leyte Sports Academy-Smart ay tumapos na may 39 golds, 26 silvers at 27 bronzes, kabilang ang 32 golds mula sa  track and field kung saan ginulantang nila ang mga malalakas na Western at Central Visayas para sa ikalawang puwesto overall.

Pumangatlo ang Bacolod City sa kanilang 32-22-20 gold-silver-bronze medals na pinangunahan ng kanilng girls swimming team sa pamumuno ni  Remselle Limaco at Kyla Isabelle Mabus na komopo ng tig-anim na six gold medals.

 

ANG LEYTE PROVINCE

BACOLOD CITY

CEBU CITY

CENTRAL VISAYAS

ILOILO CITY

KYLA ISABELLE MABUS

LEYTE NATIONAL HIGH SCHOOL

LEYTE SPORTS ACADEMY-SMART

PHILIPPINE OYMPIC COMMITTEE-PHILIPPINE SPORTS COMMISSION BATANG PINOY

REMSELLE LIMACO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with