Pierce nagbida sa panalo ng Boston

BOSTON -- Umiskor si Paul Pierce 22 sa kanyang 27 points sa second half para tulungan ang Bos­ton Celtics sa 108-100 panalo laban sa Oklahoma Ci­ty Thunder.

Tinapos ng Celtics ang kanilang two-game losing skid sa pagpapayukod sa nagdedepensang Western Con­ference champions.

Nagdagdag si Kevin Garnett ng 18 points at 9 re­bounds para sa Boston, habang naglista si Rajon Ron­do ng 16 assists at 8 rebounds.

Tumipa naman si Kevin Durant ng 29 points para sa Oklahoma City.

Nakalapit ang Thunder sa tatlong puntos sa hu­ling dalawang minuto ng fourth quarter matapos tambakan ng 14 ng Celtics.

Ngunit naimintis ni Durant ang isang 3-pointer na siya sanang nagtabla sa Oklahoma City sa Boston.

Nag-ambag si Russell Westbrook ng 26 points, 8 assists at 7 rebounds, samantalang nagposte si Serge Iba­ka ng 17 points at 13 rebounds para sa Thunder.

Kinuha ng Boston ang 84-70 abante mula sa isang tres ni Pierce hanggang makadikit ang Thunder sa 87-93 galing sa tres ni Durant at dunk ni Ibaka.

Show comments