McGrady pinagkakaguluhan sa China
BEIJING -- Lalaro na sa unang pagkakataon si Tracy McGrady sa kasaysayan ng Chinese basketball na kinasasabikan ng marami matapos muntik nang magka-riot sa isa sa kanyang pagdalo sa isang event.
Marami ang nag-aabang kay McGrady, dating teammate ni dating Houston Rockets star Yao Mingsa pagsisimula ng Chinese Basketball Association (CBA) na katatampukan ng tatlong dating NBA All Stars sa unang pagkakataon.
Ang 33-gulang na si McGrady, naging kakampi ni Yao sa Houston Rockets at ang kanyang mga kapwa All Stars na sina Stephon Marbury at Gilbert Arenas ang mangunguna sa 28 ex-NBA players na lalaro sa China.
Dahil sa kanilang presensiya ay hindi alintana ng mga fans ang pagtaas ng presyo ng tickets para sa 17-team league kung saan walo ang papasok sa play-offs.
“McGrady will ensure that attendance in every arena throughout China will rise,” sabi ng Basketball Pioneers, ang nangungunang hoops newspaper sa China. “McGrady is playing a huge role in raising the brand image and marketing avower of the CBA.”
Bubuksan ng Beijing Ducks ni Marbury ang pagdedepensa ng kanilang titulo ngayong season kontra sa team ni Yao na Shanghai Sharks nitong Sabado, habang ang Fujian Sturgeons ang host sa kanilang laban kontra sa team ni McGrady na Qingdao Eagles nitong Linggo na sold out na ang mga tickets noon pang nakaraang linggo.
Marami ang natuwa at nasabik nang pumirma si McGrady sa Qingdao noon nakaraang buwan at dinumog ang tatlong pre-season games ng kanyang team.
- Latest