DALLAS – Umaasa si Dirk Nowitzki na maka-kabalik-laro agad siya kahit na sinabi ng Dallas Mave-ricks na kailangan niyang magrekober ng hindi bababa sa anim na linggo bago gumawa ng kahit na anong basketball activity matapos operahan.

Nararamdaman na ngayon ng perennial All-Star forward kung gaano kahirap at kung gaano nakakayamot ang magrekober mula sa operasyon.
Sinabi ni Nowitzki na dalawang linggo pa bago siya makatapak uli sa court at ito ay sobra na sa anim na linggong recovery na naunang sinabi sa kanya sapul nang sumailalim siya sa arthroscopic surgery sa kanang tuhod noong Oct. 19 at hindi pa sigurado kung kailan siya papayagang sumalang sa totoong laro.
“Unfortunately, I tried, but I couldn’t cut the time down,’’ sabi ni Nowitzki. ‘’I was obviously hoping to cut that time a lot shorter. It’s been a frustrating time for me, especially watching and nothing I can really do. So there have been some hard days, some frustrating days. ... But I think now it’s gotten better this last week or so and now I guess I’m seeing the end of the tunnel.’’


Sinabi ni Nowitzki na hindi nakaranas na maoperahan sa kanyang unang 14 NBA seasons na ang goal niya ay tuluyan nang mawala ang pamamaga at bumalik ang kanyang 100% na lakas bago bumalik sa paglalaro.
“Once that goal is reached, then I can obviously think about playing again,’’ ani Nowitzki. ‘’But I think we’re still far away from that.’’


Nadagdagan na ang kanyang off-court workload kabilang ang leg presses at gumagamit na siya ng elliptical machine.


Nagdesisyon ang 34-gulang na 7-foot German na magpaopera dahil namaga ang kanyang tuhod sa kaagahan ng training camp.