Sa 2012 AFF Suzuki Cup sa Bangkok 3 Fil-Europeans lalaro sa Azkals

MANILA, Philippines - Ngumiti ang suwerte sa Philippine Azkals nang tatlo sa mga inaasahang Fil-Europeans ang makakasama ng koponan na lalaban sa 2012 AFF Suzuki Cup na magsisimula na sa Sabado sa Bangkok, Thailand.

Ang pambatong goalkeeper na si Neil Ethe-ridge ay binigyan na ng go-signal ng Bristol Ro-vers na makalaro sa Azkals upang tumibay ang de­pensa ng koponan.

“Rovers will miss kee­per Neil Etheridge for two games after tonight (Martes) as he goes to play for the Philippines,” ipinala-bas na mensahe sa official Twitter ng football club.

Bukod kay Etheridge ay dumating naman sina Jerry Lucena at Paul Mulders sa Bangkok kahapon para pa-lakasin ang koponan.

Naunang umalis ang pam­bansang koponan no­ong Lunes ng tanghali bitbit ang 22 manlalaro.

Inaasahang  dadating pa ang ibang tinitingalang Fil-European players bago sumabak sa aksyon ang Azkals kontra sa host Thailand sa Sabado.

Matapos ito ay haha­rapin ng koponan ang Viet­nam sa Nov. 27.

Show comments