Bogut mawawala ng 3-games

OAKLAND, Calif.  – Inaasahang  hindi pa rin masasalang si Golden State Warriors center Andrew Bogut sa susunod na tatlong laro para patuloy na mapalakas ang kanyang inoperahang kaliwang ankle.

 Sinabi ng team nitong Martes na namalagi si Bogut ng ilang araw noong nakaraang linggo sa Los Angeles para magpagamot sa ilalim ni Dr. Richard Ferkel na siyang nag-opera sa 7-foot Australian noong April 27.

Inaasahan ng Warriors, haharap sa Brooklyn Nets nitong Miyerkules ng gabi, na makakatakbo na si Bogut, hindi nakalaro sa huling anim na games, sa special anti-gravity treadmill  bago matapos ang linggong ito at makakasama na sa practice sa Lunes.

Nagka-injury ang 2005 No. 1 overall pick sa bukung-bukong noong Jan. 25 sa Milwaukee at hindi na nakalaro sa buong season matapos ma-trade sa  Golden State kapalit ni guard Monta Ellis.

Show comments