Clippers namamayagpagsa NBA power ranking

MANILA, Philippines - Nag-e-enjoy ang New York Knicks sa itaas ng NBA standings at posibleng magtagal pa sila rito dahil sa kanilang magaan na schedule sa mga huling araw ng November kung saan nakatakda nilang harapin ang New Orleans, Dallas, Houston, Detroit at Washington.

Ang Knicks ay may dalawang laro na lang sa buwang ito kontra sa mga nagpapanalong koponan--  ang Brooklyn at Milwaukee.

Ang tinatamasang ito ng Knicks na siyang pinakamaganda nilang simula nitong huling 18-taon ay dahil sa kanilang bagong coach na si Mike Woodson. Dahil sa kanyang demanding style ay kinailangang magtrabaho ng husto nina Carmelo Anthony at J.R. Smith sa depensa.

Narito ang NBA power ranking ng Yahoo Sports matapos ang mga laro noong Linggo.

1. New York Knicks (7-1, dating ranking: No. 1): Nagbalik na si Marcus Camby noong Linggo at dahil dito at sa kasalukuyang magandang itinatakbo ng team, may sapat na panahon para makapagrekober ng husto si Amar’e Stoudemire na naoperahan sa tuhod.

2. Los Angeles Clippers (8-2, dating ranking: No. 5): Nakaanim na sunod na panalo ang Clippers at kabilang sa kanilang mga tinalo ay ang Miami at San Antonio.

3. Memphis Grizzlies (8-2, dating ranking: No. 6): Muntik nang maagaw ng Memphis ang liderato matapos ipatikim sa New York ang unang talo noong Biyernes ngunit natalo sila sa Denver noong Lunes.

4. Miami Heat (8-3, dating ranking: third): May sakit si LeBron James, na-injury si Dwyane Wade  pero may tatlong araw na pahinga ang Heat matapos lumaro ng limang games sa loob ng pitong araw.

 5. Oklahoma City Thunder (8-3, dating ranking: No. 4): Kailangan bang gawin ng Thunder na starter si Kevin Martin sa shooting guard position? O mas magandang panatilihin itong pampuno sa role ni  James Harden?

6. San Antonio Spurs (8-3, dating ranking: No. 2): Natalo ang San Antonio ng dalawa sa kanilang huling apat na laro at nadagdagan pa ng masamang balitang mawawala si  Stephen Jackson ng anim na linggo matapos ma-injury ang daliri.

7. Brooklyn Nets (6-2, dating ranking: 12th): Nakalimang sunod na panalo ang Nets ngunit mahirap ang kanilang haharapin na road games kontra sa La-kers, Golden State at Clippers.

8. Milwaukee Bucks (6-3, dating ranking: No. 8): Winakasan ng Bobcats ang three-game winning streak ng Bucks na nakatakda namang harapin ang Heat.

9. Los Angeles Lakers (5-5, dating ranking: 14th): habang hinihintay pa ng Lakers ang debut ni coach Mike D’Antoni, nakapagtala sila ng 4-1 sa ilalim ni interim coach Bernie Bickerstaff.

10. Philadelphia 76ers (6-4, dating ranking: 15th): Wala namang na-violate sa kontrata si Andrew Bynum nang siya ay mag-bowling kung saan na-injury naman ang kanyang kaliwang tuhod matapos ma-injury ang kanang tuhod at hindi ito nakatulong.

Show comments