Jackson pahinga ng 4-6 weeks

SAN ANTONIO  -- Inaasahang matetengga si San Antonio Spurs swingman Stephen Jackson ng apat hanggang anim na linggo matapos magtamo ng non-displaced fracture sa kanang hinliliit sa kanilang laban nitong lunes ng gabi sa sariling balwarte kontra sa Los Angeles Clippers.

Nakuha ni Jackson ang injury sa huling bahagi ng first quarter at lumabas ito ng court para sa X-rays.

Ito ang kanyang ikalawang pagkakataon bilang starter kapalit ni Kawhi Leonard na may quadriceps tendinitis  sa kaliwang tuhod. Si Jackson ay may 8.3 scoring average ngayon season para sa Spurs (8-2).

Show comments