Roy ooperahan sa tuhod

MINNEAPOLIS  --Muling ooperahan ang tuhod ni  Brandon Roy nitong Lunes na isang hindi magandang senyales para sa isang player na nagsisikap bumalik mula sa ilang taon nang problema sa tuhod.

Ngunit hindi pa ito ang katapusan ni Roy…. sa ngayon.

Sumailalim si Roy sa arthroscopic surgery sa kanang tuhod  sa  Twin Cities clinic at inaasahan ng team na di ito makakalaro ng tinatayang isang buwan.

“We fully support Brandon’s decision to have the arthroscopic procedure, and look forward to his return when he feels ready to play,” sabi ni team president David Kahn sa isang  statement.

Nag-retire na si Roy bago magsimula ang nakaraang season dahil sa nananakit na buto sa kanyang mga tuhod at matapos gumanda ang kanyang kondisyon makaraang magpagamot, binigyan siya ng Timberwolves ng pagkakataon.

 

Show comments