Randolph pinagmulta ng $25K

NEW YORK  -- Pinagmulta si Memphis Grizzlies forward Zach Randolph ng $25,000 ng NBA matapos komprontahin si Kendrick Perkins ng Oklahoma City nang pareho silang mapatalsik sa laro noong nakaraang linggo, ayon sa pahayag nitong Lunes ni Stu Jackson, ang executive vice president of basketball operations ng liga.

Napatalsik sa laro sina Randolph at Perkins matapos magkagirian, may  2:05 minuto ang natitira sa fourth quarter  ng panalo ng Memphis kontra sa Oklahoma City, 107-97 noong Miyerkules. Nagkomprontahan sina Perkins at Randolph habang nagpi-free-throw si Russell Westbrook.

Muntik magpang-abot ang dalawa bagama’t ina-wat ng mga teammates bago sila tuluyang napatalsik sa laro.

Kinausap naman ni Randolph si Perkins malapit sa locker room, kaya pinagmulta ito.

Plano ni Randolph na mamigay ng pagkain sa 500 pamilya sa Memphis nitong Martes.

Show comments