^

PM Sports

Accel-PBA Press Corps Player of the week

FM - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sa ikalawang sunod na linggo ay nahirang ng PBA Press Corps na Accel Player of the Week si Mark Caguioa ng Barangay Ginebra San Miguel matapos niyang umiskor ng 13 sa kanyang kabuuang 24 puntos sa fourth quarter noong Linggo, kabilang ang huling tatlo sa laro na naging pinakamalaking dahilan sa 96-93 panalo ng Kings sa Alaska.

“Iyung puso niya sa laro, iyon ang pinaka-asset niya,” pahayag ni Ginebra head coach Siot Tanquingcen. “How he played last night, both on offense and defense at the end of the game, talagang masasabi mong he willed us to win.”

Napanalunan ni Caguioa ang Accel Player of the Week honors para sa linggong Nov. 12-18 sa araw mismo ng kanyang ika-33 na kaarawan kahapon.

“Everyone on the team is getting involved and we have more flow in our offense,” wika ng reigning Most Valua-ble Player.

“The most important thing is, the guys are learning their roles. And coach Siot is doing a great job telling guys where they should be and what they should be doing so it makes it easier for everyone,”  dagdag pa ni Caguioa na tinalo para sa nasabing parangal sina Arwind Santos at Chris Lutz ng Petron.

Dahil sa panalo’y umangat sa panglimang puwesto sa standings sa kanilang 5-5 na panalo-talo karta ang Kings pagkatapos ng kanilang pangatlong sunod na panalo. Umakyat naman sa No. 2 overall sa conference sa sco-ring si Caguioa sa kanyang 19.6 ppg average, sa likod lamang ng 20.4 ppg ni Sol Mercado ng Meralco.

 

ACCEL PLAYER OF THE WEEK

ARWIND SANTOS

BARANGAY GINEBRA SAN MIGUEL

CAGUIOA

CHRIS LUTZ

DAHIL

MARK CAGUIOA

MOST VALUA

PRESS CORPS

SIOT TANQUINGCEN

SOL MERCADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with