MANILA, Philippines - Tinalo ng two-time defending champion Talk ‘N Text ang sister team nitong Meralco 109-98 noong Biyernes sa Ynares Center sa Antipolo City para sa kanilang ikawalong panalo na nagbigay sa kanila ng una sa walong quarterfinal berths sa 2012-13 PBA Philippine Cup at sumiguro sa kanilang pag-abante sa playoffs sa ikawalong sunod na conference.
Narito ang mga bagay-bagay ukol sa panalong ito ng TNT.
Nagsimula ang playoffs streak ng TNT sa 2009-10 Philippine Cup at ang pinakahuling hindi ito nakapasok sa playoffs ay noong 2009 Fiesta Confe-rence kung saan na-eliminate sila ng Purefoods sa wildcard phase.
Ang may pinakamahabang streak sa pagpasok sa conference playoffs sa mga active teams ay ang Ginebra na hangad ang kanilang pang-17 sunod na playoff appearance.
Bukod sa pagsiguro ng lugar sa playoffs, ang panalong iyon ng Talk ‘N Text ay nagbigay din kay Norman Black ng kanyang ika-500 win sa PBA bilang head coach. Bukod kay Black na unang na-ging playing coach ng San Miguel Beer noong 1987, ang iba pang umabot na sa 500 wins ay sina Baby Dalupan, Tim Cone at Yeng Guiao.
Nakakapagtakang hindi pa nananalo ang Bolts sa Ynares Center sa Antipolo City kung saan nakatira ang head coach nilang si Ryan Gregorio.
Huling nakatikim ng panalo si Gregorio sa Ynares Center noong siya’y nasa kampo pa ng Purefoods, o noong Jan. 22, 2009 nang tinalo nila ang Sta. Lucia 88-78 sa pagtatapos ng elims ng 2009-10 Philipppine Cup.