LOS ANGELES – Patuloy na di makakalaro si Los Angeles Lakers point guard Steve Nash ng hindi bababa sa isang linggo pa dahil sa maliit na fracture sa kanyang kaliwang binti, ayon sa pahayag ng team.
Ang dalawang beses na naging Most Valuable Player ay hindi nakalaro sa pitong games kabilang ang 114-102 panalo ng Lakers kontra sa kanyang da-ting team na Phoenix Suns, sapul nang magka-injury ito sa laban kontra sa Portland Trail Blazers noong October 31.
Ang 38-gulang na si Nash ay sinuri ng mga doctor noong Biyernes at ire-re-evaluated sa susunod na weekend, ayon pa sa pahayag ng Lakers.
Nakita sa magnetic resonance imaging (MRI) noong November 3 na may maliit na non-displaced fracture sa ulo ng fibula ni Nash.
Sapul nang magka-injury si Nash, ang LA Lakers ay may nakakadismayang 1-4 start sa season, sinibak ang kanilang coach na si Mike Brown at gumanda ang kanilang record sa 4-5 sa ilalim ni interim coach Bernie Bickerstaff. Si Mike D’Antoni na ngayon ang nagmamando ng team.