Depensa kailangan ng Azkals

MANILA, Philippines - Kung may isang bagay na dapat na maging solido ang Azkals, ito ay sa lara­ngan ng pagdepensa.

Ito ang winika ni da­ting national coach Aris Caslib na siyang umaktong scout ng bansa sa mga international friendly games ng Thailand at Viet­nam.

Bagama’t makakasa­bay na sa laro ang Azkals, ang mga nakitang bentahe ng Thailand at Vietnam sa Pilipinas ay ang kanilang cohesion at team work.

“Thailand is a very cohesive team dahil matagal na silang magkakasama at malalaki ng kaunti ang ka­nilang players sa atin. Viet­nam, ganoon din, ve­ry fluid sila sa pag-atake,” wi­ka ni Caslib.

Kaya’t ang magiging pa­napat lamang ng tropa na hahawakan ni Hans Mi­chael Weiss ay depensa sa backline at midfield pa­ra mapigil ang atake ng dalawang matitinik na ban­sa.

Sa Group A kasama ang Azkals at kukumple­t­u­­­hin ng Myanmar ang apat na bansa na maglalaban-laban sa single round ro­bin.

Ang mangungunang da­lawang bansa ang aa­ban­te sa semifinals kalaban ang unang dalawang ban­sa sa Group B.

Hindi naman natiti­nag si Weiss sa tsansa ng Azkals na maduplika kun­di man ay mahigitan ang naabot na semifinals no­ong 2010 Suzuki Cup.

Kumpiyansa siya na sa­pat ang kanyang mga de­fenders matapos ang 1-0 panalo ng Azkals sa Singapore noong Nob­yembre 15 na nilaro sa Ce­bu City.

 

Show comments